Summary: Lesson plan
Proposed Lesson Plan (Draft): Grade 6 EPP – Pag-aalaga ng Isda
Pahahalagahan: Pagpapasalamat sa Biyaya ng Diyos, Mapamaraan, Pagpapataas ng Produksiyon ng Pagkain
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipapaliwanag ang iba't ibang paraan ng pag-aalaga ng isda
B. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pag-aalaga ng isda
K. Nakapagpapakitang gawa ng isang pangkabuhayan dulot ng pag-aalaga ng isda
(maikling palabas, kanta, sayaw, tula, interbyu)
II. Paksa: Paraan ng Pag-aalaga ng Isda
Mga Batayang Aklat
Masayang Paggawa Maunlad na Pamumuhay 6 (Trongco atbp.)
pp. 159-169
Mga Gawaing Pangkabuhayan 6 (Guerrero at Casamayor)
pp. 157-167
Tayo'y Gumawa Tungo sa Kaunlaran 6
pp. 167-179
HELE 6 (Casas atbp.)
pp. 223-237
III. Mga Kagamitan
Tsart, Flashcard, Amplifier
Pagbati at Dasal
A. Pagbabalik-aral
1.Pagpapakita ng mga larawan ng hayop
2.Paglalahad ng mga bata ng mga kahalagahan at salik ng paghahayupan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga kaisipan kung tama o mali
B. Pamukaw-sigla
Pagpapakita ng larawan ng yamang dagat
Pagkukuwento tungkol sa apat na mangingisda sa lawa
Guro: Mayroon akong kuwento. Ito ay tungkol sa apat na mangingisda(Andres, Simeon, Santiago, at Juan) na nakatira malapit sa isang lawa. May iba’t-ibang kagamitan silang dala sa pangingisda. Anu-ano kaya ito? Maaari ba kayong magbanggit ng isa sa mga kagamitan nila?
Mag-aaral:(may iba’t-ibang kasagutan)
K. Paglalahad/Pagtatalakayan
Pagpapakita ng mga larawan sa pangingisda
Guro: Ito naman ang ilang paraan sa pangingisda.
Guro: Sa palagay ninyo, mahalaga pa rin ba ang mga isda sa panahong ito kahit na may mabibili naming ibang pagkain? Ang kabuhayan ng pangingisda?Bakit?
Mag-aaral:(may iba’t-ibang kasagutan)
Guro: Paano kung may panahon na salat sa isda, may iba pa bang paraan ng pangingisda?
Mag-aaral:(may iba’t-ibang kasagutan)
Guro: Paano kaya ito mapararami? Paano ba mag-alaga ng mga isda?
Mag-aaral:(may iba’t-ibang kasagutan)
D. Pangkatang Gawain
Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng isang kahalagahan dulot ng pag-aalaga ng isda. Maaari itong maikling palabas, kanta, sayaw, tula, o interbyu. (10 minuto pagpaplano)
E. Ebalwasyon
Rubrics (Score Card)
Guro: Sa araw na ito anu-ano ang natutunan ninyo tungkol sa pangingisda?
G. Takdang Aralin/Kasunduan
Magsaliksik ng iba pang makabagong paraan ng pangingisda.
Magsaliksik ng mga ipinagbabawal na paraan sa pangingisda.
Paghahanda at Pag-aayos
Pagpapaalam at Dasal
Ruth A. Arsenue
TCP (PRC Lic No. 1042051)
Mrs. Y. Quiambao
EPP 6 Cooperating Teacher
Principal Z. Ylarde
Practicum Teacher
Dr. G. Peralta
TCP Adviser